Baha ang pangunahing suliranin ng ating Lungsod ng Marikina, nangangailangan ng solusyon ang malaking panganib at pinsala sa mga ari-arian. Ang pinakamagaling na solusyon ay tama at matibay na dike na babalot sa mabababang lupa isa dito ay Provident Village na sakop ng Barangay na Jesus Dela Peña na pinakamababang bahagi sa buong lunday ng Marikina.
Ang proyektong ito Provident Road Dike ang mag-aalis ng pagba-baha sa buong barangay ng Jesus Dela Peña, Tañong at Barangka at ang pinakamalaking baha nito ang malaking Provident Village Subdivision. Ang dike na ito ay 1700 metro ang haba at magmumula sa tulay ng Marikina hanggang umabot sa barangay Barangka, may karagdagang benepisyo ang proyektong ito isang bagong kalye sa ibabaw ng dike, karagdagang daan ng mga sasakyan na magagamit kahit anong panahon (all weather road) malapad na daan na kailangang-kailangan para sa kaginhawaan at sa kabuhayan ng bawat isang taga lungsod ito ang magbibigay ng bagong buhay sa buong ibayo ng Marikina na may halaga para sa komersiyo ay malaking pakinabang ng lahat isa pang napakalaking benepisyo ng proyektong ito ang libingan para sa mga taga Marikina malaki, maayos, at husto sa lahat ng taga Marikina sa mahabang panahon sa kawalan ng malaking lupa at salapi para sa angkop na malaking pangangailangan sa libingan ito ay malaking biyaya, suwerte may dalawampung libong (2,000) nitso libre ito ay napakalaking karagadagang benipisyo na dulot ng proyektong ito, dalawampung libong (2,000) nitso na sasagot sa panghabang buhay na pangangailangan ng lahat ng taga Marikina ng walang bayad, libre. Wala naman mawawala mananatili ang farm land na ipinamigay ko noon sa mga magsasaka na nagtatanim ng mga gulay doon. ito na lamang ang natitirang ala-ala ng nakaraang taniman ng mga gulay na kabuhayan noon ng maraming magsasakang taga Marikina. Mananatili ang mga puno at jogging lane na pinagawa ko noong ako'y mayor noon magsisilbi itong magaling na pasyalan, laruan at higit sa lahat daanan ng mga dadalaw sa libingan. mananatili ang animal trail na pinagawa ko noon ang mga strakturang lion, elepante, camel na sadyang nagbibigay ligaya sa mga bata. madaling mararating san ka mang dako ng Marikina mangagaling jeep, kotse,tricycle, bisikleta, lakad, jogging, bangka pwede ka ring lumangoy at higit sa lahat menos gastos na mararating mo ang lugar. ito nama'y hindi magiging sagabal sa agos ng ilog sapagkat ang bahagi ng ilog na ito ay malapad. ito ang kanyang magiging kayarian.
Ang mabisa at praktikal na solusyon ay road dike na matibay na harang sa tubig at may daanang sasakyan sa ibabaw. sa kalaparan nito ay maiiwasang ang mabiyak sa lindol o gumuho sa tulak ng tubig sa kabilang tabi naman sa gawi ng ilog ay gagawa ng dike na matibay na matibay na sangga sa tulak ng tubig at sa lupang tambak, may mga paradahan ng mga sasakyan sa kalye sa ibabaw at mga hagdanan pababa na magkakabit sa mga balkonahe na daanan at hintayan ng mga dalaw at maari ring gamiting pahinganhan ang mga barandilya na magsisilbi ding upuan ang paraan o sistema ng kayarian nito ay parang bahay ng pukyutan(honeycomb) at hagdan-hagdan na isa sa pinakamatibay na uri ng struktura na gawa sa semento. kamukha din ng mga mataas na multi storey na sementeryo at higit pa dito ay nakahagdan bawat tatlong patong ng nitso, may sapat na lakaran na may bubong pang masisilungan umulan man o umaraw.
Paano ito gagawin?
1. Iuurong ang mga puno at animal trail
2. Gagawin ang unang taas ng dike
3. Kasunod ang pagtatambak ng lupa
4. Karagdagang dike
5. At kasunod ang pagtatambay ng lupa
6. Gagawin ang karagdagang dike sa ibabaw ng lumang dike
7. At susundan ng pagtambay ng lupa
8. Karagdagang dike
9. Ang pang huli karagdagang tambay ng lupa
10. Paggawa ng kalye, bangketa, parking at waiting sheds
ang tambay ng lupa ay mangagaling sa ilog kaya't libre walang bayad at magsisilbing dredging lalalim ang ilog kaya gagaling ang agos ng tubig. Pag isipan mo panaginip ng lahat ng gobyerno sa buong mundo na ganap na masilibihan ang kanyang mga mamamayan mula sa pagsilang hanggang libingan from cradle to grave sabi ng mga amerikano pero ngayon from womb to tomb (mula sa sinapupunan hanggang sa libingan) ito ay magiging katuparan ng pangarap ng bawat tao na sa huli ng buhay ay malagak ang kanyang labi kung saan nabaon ang kanyang inunan. kung saan sya nagmula at ito'y magiging mabuting huwaran sa lahat ng kalungsuran sa buong mundo na sa dami ng mga tao ay walang lupang mapaglagyan ng mga libingan, katulad din ng Marikina na sa ngayon ay sa ibang bayan at malayo nahihimlay ang mga mahal sa buhay.
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS