Bayani BF Fernando as Congressman

SA BAHA

Ito ang dahilan kaya nag Congressman si Bayani BF Fernando noong 2016 upang harapin ang pinakamalaking suliranin ng Marikina. Siyam napung porsiento (90%) ng mga naninirahan sa unang distrito ng Marikina ay napipinsala halos taon-taon at pinakamabigat ay ang Ondoy noong 2009. Sa tuwing babaha nanganganib ang buhay at kabuhayan ng marami, bahay at mga kasangkapan ay nasisira. Hindi makapasok sa trabaho at nawawala ang ilang araw na kita.

Malanday Dike 

Tinataasan laban sa Undoy at hinahabaan hanggang maikabit sa J.P. Rizal street sa Lamuan at makulong ang buong Malanday upang huwag pasukin ng tubig baha na galing sa ilog at sa sapa ng Bayan-Bayanan. Ito ay hinahabaan din hanggang Sto. Niño at ikakabit sa bagong tulay na gagawin na babagtas sa ilog at kakabit sa Lopez Jaena Street sa Jesus dela Peña. Ito ay nilalaparan din upang makaraan ang apat na sasakyan (4-Lanes) sa ibabaw. Ito ay magsisilbing bagong kamino ng Marikina at magpapaluwag sa trapik ng kabayanan.

LGV to Lopez Jaena Street Dike and Road

Ito ang mag-aalis ng baha sa Loyola Grand Villas Subdivision at sa mga kabayanan ng mga barangay Jesus dela Peña. Tañong at mga bahagi ng Barangka. May kasama din kalye para sa dalawang sasakyan at Jogging lanez

Ibayo Flood Pumping Station

Ang lahat ng tubig ulan na babagsak sa Ateneo at sa lahat ng kabayanan ng mga barangay Barangca, Tañong at Jesus dela Peña na dumadaloy patungo sa ilog ay lilimasin o bobombahin at magtatapon sa ilog sa pamamagitan ng isang bagong pumping station sa NAWASA compound sa may ilog. Ito ay bukod sa kasalukuyang pumping station sa Provident Village

Provident Village Road Dike

Ang mababa at kasalukuyang dike na bumabalot sa Provident Village ay itataas at lalaparan upang makaraan ang apat na sasakyan (4-lanes) sa ibabaw. Ito ay nagmumula sa Barangka hanggang sa Roman Garden sa Jesus dela Peña

Barangka-IVS Flood Wall

Karugtong ng Provident road dike hanggang sa Olandes upang maalis ang pagbabaha sa UBB, Cinco Hermanos, IVS at Olandes

IVS Flood Pumping Station

Magbobomba ng tubig baha galing sa gulod ng Escopa at Alta Vista ng Quezon City at buong barangay ng IVS.

UBB Flood Pumping Station

Magtatapon sa ilog ng tubig sa Marcos Highways na nanggagaling sa Katipunan at saloob ng UBB

Kalumpang Flood Pumping Station

Maglilimas ng tubig ulan na makukulong sa Kalumpang, San Roque at Dela Paz at Santolan sa Pasig.

Balanti Flood Interceptor

Bagong malaking daang tubig karagdagan sa dalawang singlaki na Sumulong Interceptor at magdadala ng maraming tubig na galling sa Antipolo na nagpapabaha sa SSS, Paliparan, Vista Valley, New Marikina Subdivision at Sto. Niño. Ito ay magmumula sa Sumulong Highway sa KIA ng Cainta at babaybay sa labas ng Mountain Views sa New Marikina Subdivision. Kanan at kaliwa tatawid ng Gil Fernando Ave, pasok ng Lark street, Mc Donald street Jacamar Street at kanan sa Shoe Avenue, kaliwa sa Sumulong Highway tulou tuloy sa Ilog satabi ng tulay.

PROVIDENT VILLAGE- RIVERBANKS ROAD

Pang apat na sasakyan (3-lanes) sa ibabaw ng Provident Village Dike kakabit sa Riverbanks Mall hanggang Lopez Jaena Street sa Jesus dela Peña.

PROVIDENT VILLAGE – RIVERBANKS ACCESS ROAD

Bagong labasan para sa Provident Village sa Riverbanks Mall at makabawas ng mga sasakyansaBonifacio Avenue.

MALANDAY ROAD DIKE

Magmumula sa J.P Rizal sa Lamuan hanggang Sto. Nino pang apat na sasakyan (4-lanes) at kakabit sa isang bagong tulay na babagsak sa Lopez JaenasaIbayo.

KABAYANI ROAD EXTENSION

Karugtong ng Kabayani Road sa Malanday kakabit sa Loop Road sa ilalim ng tulay Marikina upang makabawas ng traffic sa Sumulong Highway at J.Rizal sa Sto. Niño

KALUMPANG BY-PASS ROAD 

Mataas na daanan ng dalawang sasakyan sa tabi ng ilog mula sa Daang Pasig hanggang Pasco Road sa pasig. Magdadala ito ng mga sasakyan galing sa Marikina at Marcos Highway sa mga tulay sa Pasig upang makakabit sa C-5 ng hindi daraan sa masikip naKatipunan-Aurora Boulevard intersection.

BALANTI ROAD WIDENING AND EXTENSION

Ito ay magmumula sa Katipunan Avenue sa SSS at tatawid ng Sumulong Highway kakaliwa at babaybay sa labas ng Mountain View sa New Marikina Subdivision, kaliwa sa Mt. Vernon at kakabit sa Gil Fernando Ave., o kanan at kaliwa hanggang sa Gil Fernando Avenue sa kanto ng Lark Street. Kasama ang tatakpang sapa ng Balantiat Sapang Bajo ito ay pang apat na sasakyan (4-lanes) na magbabawas ng Malaki sa trapiksaSumulong Highway.

BAGONG TULAY SA ILOG

Magkakabit sa Malanday Road Dike at J.P Rizal sa Sto. Niño at Lopez Jaena Street saIbayo, Jesus Dela Peña

MGA SEMENTADONG DAAN 

  1. 5TH Street, Guerilla to Mendoza, Paliparan, Sto Niño
  2. Mendoza, 5th Street to Gil Fernando Sto. Niño

PAGAAYOS NG MGA DAAN

1. Marcos Bridge, Barangka – Retrofitting and Re-Decking

2. Marcos Highway, Barangka – Widening, Loading Bay and Waiting Shed

3. Marcos Highway, Kalumpang – Widening, Loading Bay and Waiting Shed

4. Marikina Bridge, Sto. Niño – Pier Protection

5. Major Dizon to Apitong via Creek, IVC

6. Major Dizon, Barangay IVC, Asphalting and Line Marking

7. J.M. Basa Street, Barangay Kalumpang, Asphalting and Line Marking

8. M.H. Del Pilar Street, Barangay Kalumpang, Asphalting and Line Marking

9. M.A. Roxas Street, Barangay Kalumpang, Asphalting and Line Marking

10. Gen. F. Santos Street, Barangay Kalumpang, Asphalting and Line Marking

11. Diamond Street – Barangay Sto. Niño, Asphalting and Line Marking

12. Guerilla Street, Barangay Sto. Niño, Asphalting and Line Marking

13. Falcon Street, Barangay Sta. Elena, Asphalting and Line Marking

14. Bacolod Street, Barangay San Roque, Asphhalting and Line Marking

MGA BAGONG DAAN

  1. Kabayani Road Extension to Bridge Loop Road- Sto. Niño
  2. Homeowners Drive from JP Rizal to Kabayanin road - Sto. Niño
  3. Provident Village to Riverbanks Center, Barangka

MGA BAGONG GUSALI NG PAARALAN

  1. Niño Elementary School – 4 Stories- 12 Classrooms
  2. Leodegario Victorino Elem School- 4 Stories- 24 Classrooms
  3. Malanday Elementary School- 4 Stories- 12 Classrooms
  4. Kalumpang Elementary School- 4 Stories- 28 Classrooms
  5. San Roque Elementary School- 4 Stories- 28 Classrooms
  6. IVC National High School- 4 Stories- 36 Classrooms

May 5th floor na magsisilbing TAKBUHAN, TIPUNAN, LARUAN NA may hagdanan bukod sa paarala at may elevator

CITY HALL PARKING BUILDING (Before)

Dalawang palapag na Underground Parking sa likod ng City Hall at harapan ng Justice Hall upang magbigay sa pangangailangan ng City Hall, Justice Hall, Marikina Sports Center at Palengke.

SA PAGSASA-AYOS NG MGA GUSALING PANG-PAMAHALAAN 

  1. Kasalukuyang gusali – Justice Hall, Sta Elena
  2. Itaas ng Palengke – 3rd Floor
  3. Opisina ng COMELEC – Pardon and Parole, Conference Hall

MGA BARANGAY HALL

 Ipinaayos ni Congressman Bayani BF Fernando ang mga sumusunod na barangay hall:

  1. Barangay Barangka – Bonifacio Ave.
  2. Barangay IVC – Major Dizon
  3. Barangay San Roque – May pondo naghahanap ng lote
  4. Barangay Sta. Elena -May pondo naghahanap ng lote

TIPUNAN, TAGPUAN AT LIBANGAN (Before)

Pagbububong ng mga liwasan upang maging kaayaayang tagpuan ng magkakapit bahay ano mang oras umuulan man o matinding araw. Ang madalas na pagtatagpo at paguusap ng magkakapit bahay ay magdulot ng mabuting pagsasamahan. May bubong ngunit walang dingding at bukas para sa lahat ano mang oras.  May mga upuan at hapag at maaring may mga babasahin, damahan o chess at ano mang tahimik na laruan. Ang sahig ay maaring baldosa (tiles) na madaling linisin at matibay

SA UPPER BULELAK MINAHAN

sa malanday, harap ng Health Center at Senior Citizen

SA LAMBAK STA ELENA

Tabing ilog

SA JESUS DELA PEÑA

Tabi ng barangay hall

SA KALUMPANG

Sa likod ng paaralan

TAKBUHAN, BURULAN, TAGPUAN SA BAWAT PUROK- (Multi-purpose Centers) (Before)

 

Tatlong palapag na gusali. Ang pangatlong palapag tanggapan ng asosasyon na maaring takbuhan kung may baha. Ang pangalawang palapag ay pulungan at maaring burulan, may kasilyas at isang silid tulugan at maliit na paminggalan. Ang ibaba ay tipynan, tagpuan, pahingahan, libangan ng lahat at bukas lahat ng oras. Sa pamagitan nito ay madadalas ang pagkikita ng magkakapit bahay at lalakas ang pagmamahalan at pagkakaisa na mag-dudulot ng kaayusan at katahimikan at kaayayaang pamayanan.

SA BARANGAY MALANDAY

Purok Bulelak, Libis

Purok Bulelak, Minahan

Purok 3, Phase 2A

Purok 5

Purok Lower Malanday

Purok Salvador Compound

Purok Pearl HOA

Purok 7

Purok Upper Bulelak (Improvement)

Purok Sitaw

SA BARANGAY KALUMPANG

Calderon Street

Sa tabi ng Barangay Hall

Tayug, sa Tabi ng Simbahan

SA BARANGAY TAÑONG

Purok Mangahan

SA BARANGAY JESUS DELA PEÑA

Malvar, Barangay Hall

SA BARANGAY STO. NIÑO

Purok Future, Daang Bakal

SA BARANGAY STA ELENA

Lambak, Tabing Ilog 

PUTING PASILYO 

Ang mga kanal, kuntador ng tubig at kuryente, mga poste ng ilaw at lahat ng mga sagabal sa mga pasilyo o alley ay isasaayos at lalatagan ng putting baldoza (tiles). Ito ay magbibigay ng kalinisan, kaligtasan at kagandahan sa mga komunidad. Maaaring sa pamamagitan nito ay magsimula ang malaking pagbabago at kusang pagkilos ng lahat ng lahat sa pagsasaayos, paglilinis, pagpapaganda ng kanikanilang mga bahay at maging higit na kaayaaya ang buong komunidad.

1.Olandes, Barangay IVC

2. Pink Street, Purok 5, Barangay Malanday

3. Home Owners Drive, Barangay Sto. Niño

4. Peacock street, purok 6 Barangay Malanday

5. Mga Pasilyo sa UBB, Barangay Barangka 

SA KALUSUGAN OSPITAL – AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER 

  1. Pagdaragdag ng dalawandaang (200) bagong silid
  2. Pagdaragdag ng pitong (7) Operating rooms na sa ngayon ay tatlo lamang
  3. Pagtatayo ng Cath Lab na isang napakahalagang bagay sa isang ospital
  4. Pag-papalaki, pagsasaayos ng ER (Emergency Room)
  5. Karagdagang laki at karagdagang mga silid para sa mga malubhang pasyente
  6. Karagdagang mga stretcher, kama at ibat-ibang kasangkapan
  7. Karagdagang silid para sa may mga nakakahawang sakit
  8. Karagdagang silid para sa mga may karaniwan at di-malubhang karamdaman (Out-Patient)
  9. Maayos na silid hintayan ng mga kapamilya (Air-Conditioned)
  10. Karagdagang silid iyakan upang huwag kagatan ng takot ang iba.
  11. Pagdaragdag ng pondo mula sa ngayon na 300 beds to 500 beds para sa operasyon ng ospital na nanggagaling sa pondong National ng DOH.
  12. Pagdaragdag ng mga kawani upang gumabay sa mga pasyente
  13. Pondong laan para sa mga gamot at mga mahihigpit na pangangailangan ng mga pasyente.

PUBLIC TOILET – Pangpublikong Palikuran sa mga mataong lugar 

SA BARANGAY STO NIÑO

Nanay Ude, Tabing Ilog

Skating Rink, Tabing Ilog

BARANGAY SAN ROQUE

Butiki Park, Tabing Ilog

BARANGAY IVC

Major Dizon, Marcos Highway

BARANGAY JESUS DELA PEÑA

Roman Garden Gazebo

BARANGAY TAÑONG

Basketball Court, Lopez Jaena

BAHAY TAO 

Pagsasaayos ng mga bahay na hindi na angkop panirahan at mapanganib sa kalusugan ng mga nananahan dito at di mabuting bahagi sa kaayusan ng komunidad. Ito ay mga piling tahanan na kailangan-kailangang matulungang dahilan sa kawalan ng kakayahang pinasiyal, pisical, kaalaman at kamalayan.

Mga bagay na kailangang magawa:

Kisame upang lumamig

Kasilyas na maayos at malinis

Bubong kung tumutulo

Bintana kung wala o dagdag kung kulang

Paminggalan at Lababo

Pintura

Paglilinis

At mga bagay na kailangan sa kaligtasan sa pagkakasakit at kalusugan ng nananahan dito at buong komunidad

Ang mga materyales na ginagamit ay galing sa mga labis ng mga konstrusyon, mga pinagbaklasan ng mga lumang gusali, o bigay ng mga may tindahan at mga pabrikang gumagawa ng materyales at mga mabubuting tao.

Ang bunga ng maayos na tahanan ay magsisilbing mabuting halimbawa atpamarisan at pamulat sa lahat ng kaanak, kaibigan at kapitbahay ng mga tinutulungan.

Bahay Tao (After)

Ipinaayos ni Congressman Bayani BF Fernando ang mga bahay na hindi na angkop panirahan at mapanganib sa kalusugan ng mga nananahan dito at di mabuting bahagi sa kaayusan ng komunidad. Ito ay ang mga piling tahanan na kailangang-kailangan ng matulungan sa kadahilanang sila’y walang kakayahang pinansiyal, pisikal, kaalaman at kamalayan.

Mga bagay na kailangan magawa:
Kisame upang lumamig ang kabahayan
kasilyas na maayos at malinis
Bubong kung may tulo
Bintana kung wala o pagdaragdag kung kulang
Paminggalan at Lababo
Pintura
Paglilinis
at mga bagay na kailangan sa kaligtasan at makaiwas sa pagkakasakit ng nananahan dito at ng buong komunidad.

Ang mga materyales na ginagamit dito ay galing sa mga labis ng mga konstruksyon, mga pinagbaklasan ng mga lumang gusali o bigay ng mga may tindahan at mga pabrikang gumagawa ng materyales o sa mga may mabubuting loob.
Ang bunga ng maayos na tahanan ay magsisilbing mabuting halimbawa na maaring pamarisan. Maari rin itong magmulat sa lahat ng kaanak, kaibigan at kapitbahay ng mga tinutulungan.

LIMA (5) BILYONG PISO PA ANG KAILANGAN UPANG MATAPOS ANG MGA PROYEKTO NA ITO. IPAGPAPATULOY NI BF ANG PAGHAHANAP NG PONDO AT SA LALONG MADALING PANAHON AY MATAPOS ANG MGA ITO. PANGUNAHIN NA ANG SA BAHA NA AABOT PA NG MGA APAT NA TAON UPANG TULUYAN PANG MAWALA. GAMIT ANG KAALAMAN BILANG INGINERO AT LIKAS NA SIPAG AT MATAPAT NA PAGTUPAD SA KATUNGKULAN. ANG MGA ITO AY MAGIGING BAHAGI NG KANIYANG…

BF GETS IT DONE

 

         

 

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS