Non-Contact Traffic | MMDA Chairman Bayani Fernando

Watch the video

Sa pag-gamit ng mga lansangan may mga patakaran na dapat sundit upang mapanatili ang kaayusan, nagtakda ang MMDA ng mga hakbang pang trapiko upang mapanatiling ligtas ang mga motoristang bumabaybay sa ka-maynilaan at mapanatila ang kaayusan sa lansangan.

Kasama dito ang Road Safety Surveillance System may apat na layunin ang programang ito: Una, mabigyan ng maayos at dagliang serbisyo sa mga motorista at mga commuters gamit ang makabagong teknolohiya sa pangangasiwa ng trapiko sa Metro Manila, Ikalawa, Mapabuti ang imahe at integridad sa pagpapatupad ng batas trapiko sa pamamagitan ng maayos na pangangasiwa ng impormasyon at ligtas na pagpapalitan ng datos, Ikatlo, bawasan ang physical contact ng mga motorista at traffic enforcer upang maiwasan ang katiwalian, Ikaapat, upang maiwasan ang pagtawag ng atensyon sa mga motoristang lumabag sa batas trapiko na kadalasan ay nagiging sanhi ng pagbagal at obstruction sa daloy ng mga sasakyan sa lansangan.

Ang MMDA ay gumagamit ng mga Internet Protocal Cameras o IP Cameras upang manmanan at itala ang mga pangyayari sa lansangan, ang mga ito ay wireless at upang maiwasan ang pagtatalo ang oras at petsa ay nakasynchronized sa PAGASA, mahigit na apat na raang(400) surveillance cameras ang itinalaga ng MMDA sa mga pangunahing lansangan ng ka-maynilaan, kasama dito ang:
EDSA
Radial Road 10(R-10)
Macapagal Avenue
Quezon Avenue
Marcos Highway
MC Arthur Highway
Commonwealth Avenue
C.P. Garcia Avenue (C5)

Samantala ito ang proseso na pinapatupad ng MMDA sa traffic surveillance areas:
1. Mula sa video footage ng surveillance cameras Kukunan ng litrato ng traffic enforcer ang mga lumalabag sa batas trapiko, ang mga video footages ay sinasalansan itinatatago bilang pruweba kung sakaling kwestyonin ang pagpataw multa.
2. Base sa litrato papadalhan ng MMDA sa pamamagitan ng isang courier ang motorista ng isang summon kung saan may kalakip na Traffic Violation Receipt o TVR, may pitong araw ang lumabag na motorista upang kwestyunin ang paratang ng paglalabag sa batas trapiko
3. Samantala, Maaring bayaran ang multa sa MMDA TOC o kaya'y sa anumang sangay ng MetroBank.

Ang lahat ng di tutugon sa mga summon o hindi magbabayad ng multa ay isasama sa Land Transportation Office Alarm List. Ang alarm list ay isang kasunduan ng MMDA at LTO upang siguraduhin ang dagliang pagbabayad ng multa ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko o operator na kasama sa alarm list ay hindi nakakapag renew ng lisensya o rehistro hanggang hindi sila na ce-clear ng MMDA Traffic Operations Center sa kanilang mga multa at atraso, may kapangyarihan din ang MMDA na iimpound ang sasakyan kung nahulihan ito ng tatlong ulit na hindi tumutugon sa summon na ipinadala. Kaakibat ng mga motorista at commuter ang MMDA upang panatilihin ang kaayusan sa ating mga lansangan.

"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."

"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"

 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS