Marami ang maaring sakyan upang makabyahe sa Metro Manila nariyan ang mga jeepney, ang MRT, LRT, at mga Bus
Matindi ang kumpetensya sa mga Pampasaherong Bus may higit sa tatlong libong(3000) lisensyadong bus ang bumabyahe sa kalakhang Maynila at nasa isang libo(1000) naman ang tinaguriang colorum na nagdudulot ng trapik at nakaka-antala sa produktibong gawain ng mamamayan, madalas nagiging mistulang terminal ang mga lansangan habang naghihintay ng mga pasahero ang mga bus. Ang kalusugan ng mga tao ay nanganganib din dahil sa polusyon, maraming bus ang pumapasada kahit di man mabawi ang puhunan ng mga operator sa bawat byahe.
Kaya't minabuti ng Metro Manila Development Authority na ipasa ang Metro Manila Council Circular No. 03-28 Series of 2003 at MMDA Resolution No. 04-01 Series of 2004 dalawang hakbang na nagbibigay daan sa programang OBR(Organized Bus Route) sa Metro Manila.
Ang OBR ang nagtatakda ng tamang kaparaanan at sistema sa pamamasada ng mga pampasaherong bus sa ka-maynilaan batay sa oras at bilang ng pasahero sa lansangan. Ang Traffic Operations Center ang pangunahing tanggapan ng MMDA na naatasang mangasiwa sa pagpapatupad ng OBR kinakabitan ng Radio Frequency Identification(Microchips) ang mga lisensyadong pampasaherong Bus na pumapasada sa pangunahing lansangan ng Metro Manila sa pamamagitan nito namomonitor ang exact location ng isang Bus at ito ay tumutupad sa naayong routa may mga nakatakdang RFID readers sa mga strategic area sa buong kalakhang Maynila:
Malanday, Valenzuela
Gen. Luis, Novaliches
Novaliches, Town Proper
Bagong Silang, QC
Tala, Quirino Highway
Navotas Terminal
Robinson's Terminal
Balintawak Cloverleaf
Bonifacio Monument Circle
Mindanao Avenue
Commonwealth Avenue
Regalado Avenue, Ampid
Alabang, Muntinlupa
FTI, Taguig
Baclaran, ParaƱaque
NAIA Terminal, ParaƱaque
Roxas Boulevard (NAIA Road)
Buendia, Ayala Avenue Makati City
Magallanes
Tunasan at
Pacita Complex
Sa isang Organized Bus Route Syetem dali-daliang maipapaabot ang mga datos sa Control Center na syang magdedesisyon sa magdidispatya ng kaukulang bilang ng BUS alinsunod sa oras at dami ng pasahero sa mga lansangan, lahat ng bus mula garahe ay dadaan muna sa kung saan may RFID reader bago bumiyahe. Napakarami ng pakinabang ng Organized Bus Route
Punong lulan ng pasahero sa bawat byahe,
Pagtitipid sa gastos ng krudo,
Mataas na kita ng mga Bus Company,
Pagbabawas ng Polusyon, at
Maayos na daloy ng sasakyan sa lansangan
"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."
"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS