Pink Line Project | MMDA Chairman Bayani Fernando

Ang Pink Line Project ay isang sangkap ng Metro Clear Roads Program, ito ay napapailalim sa Metro Gwapo Tao Ganado ang natatampok na proyekto ni Chairman Bayani Fernando.

Isa sa mga layuning proyekto ng Pink Line ay maitanim sa isipan ng lahat na tayo'y may responsibilidad at pananagutan sa batas sa tuwing tayo ay lumalabas ng ating bakuran.

Ang Pink Line ay bahagi ng bangketa at nagtatakda ng sadyang lakaran ng mga tao, ito ay nagpapa-alaala sa lahat na sa kabila ng linyang ito ang karapatan ng pag-mamayari o pag-aari ng sariling bakuran ay natatapos at ang kapakanan ng madla ang nangingibabaw.

Ang Traffic Engineering Center ng MMDA ang nagpapatupad ng mga alituntunin at gabay kaugnay ng Pink Line (Sidewalk Boundary Marker) kasama dito ang mga sumusunod

Ang Pink Line ang nakatagdang lakaran ng tao sa bangketa ang lapad nito ay dalawang(2) Metro mula sa tinakdang property line.
walang anumang construction ang maaring lumagpas sa line.
hindi pinahihintulutan ang anumang gawain sa bangketa lalo na sa nalolooban ng Pink Line.
hindi pinahihintulutan ang paglalagay ng anumang uri ng advertisement o billboard sa bangketa lalo na sa nalolooban ng Pink Line kahit pansamantala man ito o pang matagalan,
hindi pinahihintulutan ang anumang business structures sa loob at hangganan ng Pink Line,
walang anumang sagabal ang pahihintulutan sa bangketa lalong lalo na sa nasasakop ng Pink Line,
Kinakailangang malinis ang daanan ng mga tao sa lahat ng oras, huwag gagalawin ang bangketa na walang pahintulot ng DPWH at MMDA lalong lalo na sa nasasakop ng Pink Line

Sinumang lumabag sa mga alituntuning ito ay pananagutin at magbabayad ng buong gastusin sa pag-aalis sa mga ito at lahat ng danyos perwisyo

May tatlong pamantayan ang TEC sa paglalagay ng Pink Line
1. Ang arcade
2. Ang minimum setback for resedential building at strucutes
2. Required setback for commercial, industrial, at recreational buildings

mayroon ng pitong daan tatlumpot isang kilometro ang nalapatan na ng Pink Line mula ng simulan itong proyekto.

 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS