Produktibidad | MMDA Chairman Bayani Fernando

Watch the video

Sa kakarampot, marami ang maidudulot kung wasto proseso ng pag-gawa!
sa pagawaan, sa opisina o kahit sa ating mga sariling tahanan maraming gawain ang hindi ang di natatapos o di kaya ay di natatapos ng tama dahil sa kawalan ng Produktibidad kasama dito ang aksaya sa pag-gamit ng materyales, salapi, makina, pasilidad, at panahon.

Ayon kay MMDA Chairman Bayani Fernando may malawak na perspektibo ang produktibidad wika niya

"Makakamtan ang mataas na produktibidad sa pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagsulong ng ekonomiya."

mababasa sa Ikalawang Tesalonika 3:10
"Bagamat tayo ay magkasama, ito ang batas: ang taong hindi magtatrabaho ay hindi kakain."

Sa mga salita ni Chairman BF
"Ating pagpupursigihing magtrabaho ang bawat isa kung hindi ay tanggal sya sa trabaho."

Mula sa pananaw na ito makikita ang tinaguriang work race economic ni Chairman BF hinihikayat nya na pairalin ang kultura ng produktibidad sa bawat isa sa atin, nilatag ni Chairman BF ang ibat ibang paraan upang matamo at mapairal ang mataas na produktibidad.

Sa pag-gamit ng materyales
"Gamiting mabuti at pagyamanin ang mga likas na tanging yaman at pagyamanin pa natin ang mga ito para masuplayan ang mga industriya."

Sa pag-gawa
"Tulungan at gabayan ang mga namumuhunan sa tamang pamamahala at pangangalaga ng mga manggagawa, bigyang pansin ang importansya ang pagpapaunlad sa kaalaman at kakayahan ng mga tao at imulat sila sa tamang pag-uugali at asal sa pag-gawa.

Ang produktibidad ng mga makinarya ay tiyak na tataas sa pagtuklas ng mga maaring pagkunan ng bagong kagamitan at mamumuhunan sa mga modernong teknolohiya upang mas mapabilis ang trabaho.

Sa mga pasilidad at kagamitan
"Punan ang sapat na dami o bilang ng kagamitan at pasilidad ang lahat ng ito ay dapat makabago upang mapabilis ang produksyon."

Sa aspeto ng Pananalapi
"Mamuhunan sa mga sektor at industriya na produktibo at kumikita, ang mga maliliit na halagang naipon o naitabi ay ipuhunan sa mga negosyong mas kapaki-pakinabang, magbalangkas ng mga hakbang at alituntunin upang mapababa ang halagang kinakailangan sa pagtatayo ng bagong negosyo."

Sa larangan ng Teknolohiya
"Maglaan ng panahon at pananalapi sa pagtuklas at pagpapaunlad(Research and Development) ng mga modernong kagamitan at teknolohiya at umangkat kung kinakailangan."

Mahalaga ang panahon kaya't nararapat bigyang diin ito kung nais itaas ang produktibidad pagtuonan ng pansin at importansya at magpatupad ng mga hakbang para sa mga programang kakikitaan ng mabilis na resulta at pakinabang para sa ekonomiya. Gawang may kalidad nagmumula sa Produktibidad.

"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."

"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"

 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS