Batay sa isang pagsusuri mayroong isang daan libong pasahero lulan ng dalawa hanggang tatlong libong pampasaherong provincial buses na dumadaan sa EDSA, ang mga ito ay nagbababa at nagsasakay sa mga pasahero sa mga bus stop na ginagamit din ng higit kumulang tatlong libong pampasaherong city buses na pumapasada sa Metro
Manila via EDSA maliban sa mapanganib ito sa mga pasahero at nagdudulot ng polusyon, nagdudulot din ito ng matinding siksikan ng mga bus sa mga Loading/Unloading bay madalas na nagkaka buhol-buhol ang trapik na nakakaparalisa sa nakararaming lansangan.
Marami ang dumulog sa MMDA upang maibsan ito kasama ang mga kasapi ng Provincial Bus Association of the Philippines alinsunod sa pagpapatupad ng "Organized Bus Route" o OBR nagtalaga ang MMDA Traffic Engineering Center ng mga Provincial Bus Stop sa ilang pili at kritikal na pook sa kahabaan ng EDSA at sa kalaunan sa iba pang bahagi ng kamaynilaan minabuti ng Metro Manila Development Authority ang magbalangkas ng isang programang nauukol dito ito ang MMDA Designated Provincial Bus Stop sa kasulukuyan mayroong labing anim (16) na naitalagang mga look babaan at sakayan sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang tulad nito sa mga pangunahing lansangan.Ito ay makikilala sa letrang P sa poste o Lamp Street itinalaga ng MMDA Traffic Engineering Center ang pangatlong lane ng EDSA para daanan ng Provincial Buses ang third lane ay hindi exclusibo para sa provincial buses doon lang sila pwedeng dumaan, pwede rin itong gamitin ng mga private vehicle makikita ang mga Provincial Bus Stop sa:
West Avenue Edsa
Quezon Avenue
East Avenue, Timog
Ortigas Avenue, POEA
Ayala Avenue, SM MRT, Makati at hanggang sa
Taft Avenue, MRT
at sa kabilang panig ng kahabaan ng EDSA mula dulong silangan patunong dulong hilaga nito mula:
Magallanes, Makati
SM Megamall J.Vargas St.
Ortigas Avenue, Robinson's
Boni Serrano Avenue, Santolan
East Avenue, Timog Quezon Avenue
Trinoma Mall at hanggang sa
Balintawak
samantala ang iba pang pook sakayan at babaan ay matatagpuan sa kakabukas pa lamang na:
Marikina Eastern Terminal at sa Alabang Southern Terminal
dito sa mga Provincial Buses Stop ang mga pasahero ay ligtas na nakakababa at nakakapag diskarga ng mga gamit, may mga otoridad at pahenanteng handang tumulong, may mga nakaabang ding taxi. Sa pangkalahatan ang mga bus ay hindi nakakasagabal sa iba pang sasakyan bumabyahe, ang trapik ay naiibsan at ang kaayusan ay napapanatili sa mga lansangan.
"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."
"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS