Sidewalk and Roadway Clearing Operation | MMDA Chairman Bayani Fernando

Watch the video

Isang mahalagang sangkap ng kaunlaran ay kaayusan sa lansangan alinsunod sa alituntunin at batas ay nagsisilbing batayan sa gawa at asal ng mga mamamayan, dalawang tanggapan ng Metro Manila Development Authority ang nangangansiwa sa pagpapatupad ng kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan, tabing ilog at bangketa ng ka-maynilaan ang "SIDEWALK CLEARING OPERATIONS GROUP" (SCOG) at "ROADWAY CLEARING GROUP" (RCG) ito ay alin sunod sa

MMDA Resolution No. 02-28
- Na nagsasaad na ang MMDA ay may otoridad na mangasiwa at isaayos ang mga illegal na istraktura at obstruksyon sa mga bangketa, kalye, tulay, parke at iba pang pampublikong pasilidad sa Metro Manila.

Ang SCOG at RCG ay inatasang gampanan ang mga sumusunod:
Una, Ilagay sa ayos ang mga bangketa at daaanan ng mga sasakyan upang magamit ng tama ang mga ito.
Siguraduhin na ang mga lansangan ay para sa mga sasakyan at ang bangketa ay para sa taong bayan.
at Ikatlo, tanggalin ang anumang sagabal sa mga bangketa kasama dito ang mga nabuwal na puno at mga halaman pati na rin ang mga kuyagot sa kalsada, nag eendorso sa lanscaping ang pagtatabas at paglilipat ng mga punong kahoy, nagkukumpiska ng mga gamit ng mga illegal vendors, tulad ng pushcart at iba pa, nagbibigay ng notice of enclosement sa mga istrakturang nakakasagabal sa kalye at bangketa.

Ang dalawang tanggapan din ang nagbabaklas ng mga mapanganib na istraktura at illegal na "building encroachments".
Nagsasagawa ang mga tanggapan ng mga emersion meeting sa mga pook na maapektuhan ng clearing operations upang maipaliwanag at maipaunawa sa mga tao doon ang gagawing hakbang.

Ang Sidewalk Clearing Operation Group o SCOG ay matagumpay sa pagsasa ayos ng mga bangketa, ang kanilang mga aktibidad tulad ng pagbababa ng mga pinagbabawal na tarpauline at paghahakot ng mga bumagsak na billboard ay isang hakbang pangka ligtasan.

Ang pagaalis ng mga illegal na vendors ay nagbibigay daan sa mas maigting na pagpaplano at pagsasagawa ng mga proyekto ng MMDA, kasama rin ang SCOG na nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa ilang pook at probinsya, kabilang dito ang paghahatid ng Mercy Mission, ang SCOG at RCG ay gumawa ng temporary shelters at tumulong sa paglilinis at pagsasa ayos ng mga nasalanta ng bagyo.

Ang Road Clearing Group o RCG ay tagumpay sa pagsasa ayos ng lansangan, ang kanilang napagawang proyekto ay direktang naipapaabot sa mga residente ng ka-maynilaan gaya ng pag bubundle ng mga nakalaylay na kawad ng kuryente at telekomunikasyon, pagpipintura ng pader at ng mga gutter, at paglalagay ng mga street lights.


Ang RCG ay patuloy sa paggawa ng mga aktibidad na naayon sa Metro Gwapo at Urban Facelifting Project ng MMDA kabilang dito ang mga architectural at construction project sa Hollandes sa Marikina at J.P. Laurel Street sa Maynila ang RCG din ang nanguna sa pag papatayo ng ilang pampublikong pasilidad tulad ng Vitas Katuparan Market ang kalagayan ng mga lansangan at bangketa ay kinakailangan sa kaularan ng pamayanan, ang maayos na daloy ng tao, kalakal at mga sasakyan ay isang prayoridad ng MMDA

"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."

"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"

 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS