Trip Tracker | MMDA Chairman Bayani Fernando

Watch the video

Ang Metro Manila Development Authority ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa malaya, maayos, at ligtas na paglalakabay sa loob ng ka-maynilaan. Sa ilalim ng opisina ng pangulo Pilipinas ang MMDA ay nakapaglunsad na ng napakaraming programa at proyekto upang maging kaaya-aya ang Metro Manila.

Isa sa mga bagong proyekto ng tanggapan ay ang "TRIP TRACKER" na sa ilalim ng Safe City Program ng Metro Gwapo ang trip tracker ay isang hakbang upang tiyaking ligtasang mga sumasakay sa mga taxi at iba pang pampublikong sasakyan sa Metro Manila. Dikaila na maraming patas na taxi driver na pumapasada sa ka-maynilaan ngunit my mga pagkakataon na ang mga pasahero ay nagiging biktima ng mga mapagsamantalang grupo o sindikato sila ay nakakaranas ng pambabastos, pandaraya sa kwenta ng pasahe, pagpapahaba ng byahe o di kaya ay holdap. Ang karamihan sa binibiktima ng mga grupong ito ay ang mga bumabalik na overseas pilipino workers, mga balik bayan, mga mag-aaral at kababaehan.

Wika ni MMDA Chairman BF
"Kinakailangan ng mahigpit na monitoring ang mga driver at operator upang panagutin sila sa oras an may nangyari sa mga pasaherong lulan ng kanilang taxi!"

"Magdadalawang isip na gumawa ng masama ang mga pasaway na drayber at masamang elemento"

Sa pamamagitan ng Trip Tracker sa oras na sumakay ang pasahero sa taxi o anumang public utility vehicle ay agaran nyang itetext ang pangalan at plate number ng sasakyan ipadadala nya ang text message sa MMDA Hotline: 9988 at sa 09175618709 or 09209472116. Matatanggap ng mga kompyuter ng MMDA ang text message ito ay automatically na masstore sa data bank. Napakadali ring i-retrieve ang informasyon ang kompyuter ay nakalink-up sa traffic operations system at Land Transportation Office.

Sa pagkakataong nagamit ang sasakyan sa krimen ang MMDA ay dagliang makikipag-ugnayan sa Philippine National Police, ang mga pasaherong nabiktima ay maaring makipag-ugnayan sa MMDA Hotline: 136

Trip Tracker isa nanamang hakbang patungo sa Metro Gwapo.

Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami.

"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"

 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS