Ang maayos, maluwag at ligtas na daloy ng trapiko sa buong kamaynilaan ay isa sa pinakamalaking programa ng Metro Maynila Development Authority ang mga motoristang nahuhuling lumabag sa batas trapiko ay nasusubaybayan ng MMDA Data Management Division sa pamamagitan ng pangangasiwa ng talaan sa mga naisyung MMDA TVR
o Traffic Violation Receipt, kumpiskadong driver's license, plaka ng mga infounded vehicles at iba pang mga datos na may kinalaman sa mga lumalabag ng batas trapiko driver o sasakyan, gamit ng Data Management Division ang makabagong Metro Road Rules Enforcement System isang kompyuter application na nagpapabilis sa pag encode, pag-access at pakikipagpalitan ng mga datos tungkol sa mga motorista mga behikolo na my kinalaman sa pangangasiwa ng trapiko sa kamaynilaan, samantala ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko ay binibigyan ng Traffic Violation Receipt o TVR ang MMDA Traffic enforcement lamang ang otorisadong mag issue ng TVR, sa mga pagkakataong nakumpiska ang driver's license o plaka ngsasakyan narito ang mga hakbang upang tubusin ito:
siguraduhin dala ang mga sumusunod na dokumento sa pagkuha ng nakumpiskang driver's license o vehicular plate
Para sa Driver's License:
Orihinal na TVR na inissue ng Traffic Enforcer, kung ito'y nawawala
magdala rin ng Affidavit of Loss
Para sa Plaka ng Sasakyan:
1. Orihinal na TVR na inissue ng Traffic Enforcer, kung ito'y nawawala
2. magdala rin ng Affidavit of Loss
3. Kopya ng rehistro ng sasakyan(OR/CR)
Kung representative lamang ang magaayos nito magpadala rin ng
Authorization Letter
Valid IDs ng may ari ng sasakyan at ng nasabing representative.
sa pagaayos ng nakuhang Driver's License o plaka ng sasakyan:
1. Ibigay sa receiving clerk ang mga kailangan sa pagtubos ng lisensya o plaka para ma assess ang violation,
2. hintayin tawagin ang pangalan para sa kaukulang bayarin ng violation,
3. magbayad at ibigay sa kahera ang printout ng bayarin o TVR,
4. ibigay ang resibo at iba pang mga dokumento sa Receiving Clerk,
5. hintayin tawagin ang pangalan para sa pag-release ng nakumpiskang
lisensya o plaka.
Ang mga detalye ng pagkakahuli ng drayber o sasakyan na hindi natubos ay ipinararating sa Land Transportation Office bilang alarment sa pamamagitan ng MMDA/LTO Interconnectivity hindi pahihintulutang mag renew ng Driver's License o kaya'y magrehistro ng sasakyan ang mga pangalan o plaka na naitala sa LTO Alarment kaylangan muna itong kumuha ng MMDA clearance sa tanggapan ng PDR Data Management Division ng MMDA o Traffic Operations Center. Narito ang hakbang upang ma-isyuhan ng Clearance:
1. Mag fill-up ng Application Form, bayaran ang Clearance Fee sa kahera
2. Hintaying tawagin ang numero at ibigay sa nakatalagang window
Hintaying tawagin ang pangalan para sa kaukulang bayarin
3. Magbayad at ibigay sa kahera ang printout ng bayarin
4. Ibigay ang resibo at iba pang mga kailangang dokumento sa Verication Counter
5. Hintaying tawagin ang pangan sa Releasing Window para sa pag-release ng Clearance Certificate
bago irelease ang Clearance Certificate sa motorista idinadaan muna
ito sa Redemption Center para direktahan ng matanggal ang nakatalang
Plaka nito sa LTO Alarment,
sa Driver's License na nasa LTO Alarment narito ang mga dokumentong
kailangan upang makakuha ng MMDA Traffic Clearance:
1. Photocopy ng Driver's License tiyaking malinaw ang pangalan, araw ng kapanganakan at numero ng lisensya
2. Kopya ng Alarm Code mula sa LTO
3. Kopya ng MMDA Verification and Clearance Slip
at Affidavit of Loss kung may nawawalang dokumento
sa mga pribadong sasakyang inilagak dahil sa impoundable violation
narito ang mga dokumentong dapat ihanda:
1. Orihinal at photocopy ng Certrificate of Registration (CR) at OR ng
sasakyan
2. Orihinal na TVR na inissue ng MMDA Traffic Enforcer
3. Orihinal at Photocopy ng Driver's License
4. Sa pagkakataong kinumpiska ang Driver's License kumuha ng Driver's License Number mula sa LTO, at kung nakaimpound ang sasakyan kumuha ng Technical Inspection Form, at magpa-stencil ng Motor Vehicle Number at Traffic Number ng sasakyan na affected ng impounded Officer sa impounding area.
Samantala sa mga impounded na pampublikong sasakyan ang mga dokumentong dapat ihanda ay ang mga sumusunod:
1. Orihinal at photocopy ng Certrificate of Registration (CR) at OR ng
sasakyan
2. Orihinal at Photocopy ng Traffic Violation Receipt o TVR na inissue ng MMDA Traffic Enforcer
3. Kopya ng prangkisang inissue ng LTFRB
4. Ang Technical Inspection Form na galing sa Impounding Area
5. Stencil ng Motor Chassis ng sasakyan na pirmado ng Impounding Officer
6. at Orihinal at Photocopy ng Driver's License, kung ito ay kumpiskado kumuha ng kopya sa Land Transfortaion Office upang maitala ang License number.
Ang mga hakba naman ng pagkuha ng impounded na sasakyan ay ang mga sumusunod:
1. Isumite ang mga dokumento sa Receiving Clerk para sa Verification process sa TVR Data Management Division ng MMDA-TOC
2. Hintayin ang resulta ng Summary Report, ito ay printout ng MRRES at manual verification ng plaka at lisensya - dito makikita kung may nabinbin pang mga violations.
3. Dalhin ang Summary Report sa kahera ng MMDA - TOS Office para sa mga kaukulang bayarin
4. Ibalik ang resibo sa Verification Window ng TVR Data Management Division para sa validation ng payment of fines na i-uupdate sa MRRES.
Dito aabisuhan ang mga drayber o motorista kung kailan makukuha ang Release Order ng kani-kanilang mga sasakyan, kapag nakahanda na ang release order kunin ito sa release window ng TVR Data Management Division kasama ang kumpletong dokumento, isumite ito sa mga impounding area sa pag-release ng sasakyan.
Patuloy na isinasagawa ng MMDA ang iba't ibang paraan upang pagtibayin ang kaayusan sa mga lansangan ng ka-maynilaan.
Ang makabagong Metro Road Enforcement System ay isang hakbang patungo dito.
"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga
alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."
"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS