Ang MMDA ay patuloy na gumagawa ng iba't ibang hakbang upang mapanatiling ligtas at at maayos ang mga lansangan sa ka-maynilaan, kasama dito ang kapakanan ng mga motorista.
Sa mga motoristang lumabag sa batas trapiko at naissuehan ng Traffic Violation Receipt(TVR) ng traffic enforcer ang MMDA ay naglatag ng mga paraan para makatulong sa kanila, layon ng hakbang na mapaikli ang panahon na igugugol sa pagtutubos ng TVR.
Gamitin ang mga serbisyo ng bangko sa pangongolekta ng multa, Patatagin ang pangkalahatang pangangasiwa ng trapiko at Bawasan ang pisikal na transaksyon sa pagitan ng mga motorista at traffic enforcer upang maiwasan ang lagayan at korupsyon.
Ang kapangyarihan ng MMDA na isagawa ang mga ito ay nasasasaad sa
Republic Act No. 7924
- Kung saan ay ang tanggapan ay binibigyan ng kapangyarihan napanagasiwaan ang trapiko, magpatupad ng mga batas ukol dito at magtatag ng isang Single Ticketing System sa buong ka-maynilaan.
Sa mga motoristang napatawan ng multa maari silang magbayad sa anumang sangay ng MetroBank o sa tanggapan ng MMDA Data Management Office, itong kasunduan sa Metrobank ay nakasaad sa MMDA Resolution No. 04-05 Series of 2004
- Kung saan ang MetroBank ay tinalagang opisyal na bangko ng MMDA upang tumanggap ng mga kabayaran o multa ng mga motirista. Ang kasunduang ito ay inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Monetary Board.
Ang mga motoristang magtutungo sa sangay ng MetroBank ay kinakailangang magdala ng mga sumusunod:
1. MMDA Summon o Citation Letter para sa Non-Contact Traffic Apprehension o NCTA
2. Orihinal na MMDA Traffic Violation Receipt
3. Accomplished MetroBank PSCCA Payment Slip
Ang multa ay dapat bayaran ng cash mula sa dating masalimuot at mahirap na pagbabayad ng multa sa iba't ibang sektor ng ka-maynilaan, west sector sa maynila, quezon city, east sector at south sector. Minabuti ng MMDA na maiayos ito.
"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."
"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS