Ang telekomunikasyon ay isang mahalagang sangkap sa pangagasiwa ng isang gahiganteng pook tulad ng Metro Manila ang dagliang aksyon sa iba't ibang uri ng pagsusubok ay kritikal sa serbisyo na ibibigay ng Metro Manila Development Authority sa taong bayan.
Ang pagtatalaga ng MMDA ng Worldwide Interoperability for Microwave Access o WIMAX ay isang halimbawa ng teknolohiyang ginagamit sa pagpapadala at palitan ng datos at informasyon na dating dumadaan pa sa mga sinaunang kawad ng telepono, ang tinaguriang wireless technology ay nagagamit sa pinakaliblib na pook at lahat ng uri ng panahon ang sentro ng WIMAX operations ay matatagpuan sa Metrobase, ang MMDA communications and command center ang pangkalahatang nangangasiwa dito sa pamamagitan ng license frequency na ibinigay ng National Telecommunications Commission ang datos sa mga lansangan na nakuhaan ng surveillance cameras ay dagliang napapadala sa Metrobase.
Ang lahat ng IP Cameras ng MMDA ay nasasagap sa WIMAX system, ang system ay nagsisilbing backbone kung saan nakakonekta ang mga camera patungong Metrobase sa pamamagitan nito nasusubaybayan ang kaganapan sa lansangan, nababatid ang anumang aksidente na maaring makaapekto sa maluwag na daloy ng mga sasakyan.
Ang mga kuha ng IP Cameras ay tinatransmit at nirerebroadcast sa MMDA TV kung saan mapapanuod ng publiko at mga kinauukulan, ang mga camera ay ginagamit din sa pagrereport ng mga motorista na lumalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng Non-Contact Traffic Apprehension System ng MMDA, pangkalahatan ang system ay nagbibigay ng mga ulat at advisories sa mga ibang ahensya ng gobyerno bente kwatro oras (24 Oras) araw araw, ang teknolohiya ay isang mabisang sangkap sa pagpapairal ng kaayusan sa komunidad gamit ang WIMAX ang MMDA ay tiyak na makakatulong sa mga pangangailangan ng taong bayan sa WIMAX serbisyo'y lubusan.
"Ang kaayusan sa isang pook ay nagmumula sa pagbabalangkas ng mga alituntuning ikagiginhawa ng nakakarami."
"KUNG MAY POLITICAL WILL, TITINO TAYO!"
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS