Ang mga karaniwang pamilya ano man ang gawing ipon, kulang at kulang kung may kapamilyang tamaan ng mabigat na sakit.Lahat tayo saan man ang destino sa langit man o impyerno ay dadaan sa ospital.
LIBRENG OSPITAL EKLUSIBO PARA SA ATING MGA TAGA MARIKINA.
Tanging Ospital ng gobyerno lamang ang makakakaya at maasahan ng mga karaniwang pamilya sa mabibigat na pagkakasakit.
Mapalad ang Marikina at may AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER (ARMMC). Ang lupa na kinatatayuan nito ay ari ng lungsod.
Ang pasilidad ay tinayo at tinustusan ng buo ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ng Pamahaalang Nasyonal.
Una kong ay pakiusapan si Sec. Francisco Duque ng DOH na palitan ang hepe ng ospital ng isang taga Marikina, na sa paniniwala ko ay ito ay mabisang simulang paraan para mapabuti ang serbisyo ng ospital
Tulad ng nangyari hindi mapapahiya tulad ng aking inaasahan luminis at nagsimula nang bumuti ang serbisyo ng Ospital, sa kamay ng isang taga Marikina
Sa dagliang pangangailangan ang emergency room (ER) ng isang Ospital ang pinakamahalaga ng mag Congressman ako inuna ko na makakuha ng pera sa Kongreso na nagamit sa pagpapalaki at pagsasaayos ng Emergency Room. Husto sa pangangailangan upang sa pagpasok na pagpasok ng pasyente ay maihiga kaagad at hindi maghintay nang nakaupo at magamot kaagad.
Kahit ano pang sabihin mas mabuting tingnan na namatay nang nakahiga kaysa nakaupo para huwag masabi ninuman na pinabayaan.
Kayang kaya na ngayon na gawin yan. Limang doble na ang damin ng mga kuwarto at kama sa lumaking Emergency Room. Malaki, maayos at Kumpleto.
Malaki at maayos na nurse station na sinunod ko ang disenyo sa isang Malaki at modelong pribadong ospital sa bansa.
Karagdagan dito ay pinalaki at isinaayos ang silid hintayan ng mga kapamilya. Air conditioned, may mga upuang maayos at television pa. Subalit ito ngayon ay may takip at pansamantalang kinalalagyan ng mga pasyenteng may COVID.
Karagdagan parin ay mahalaga, isang silid iyakan at ng maiwasan marinig ang hikbi at hagulgol ng mga naiwan at baka nerbyosin at matuluyan ang mga pasyente at mga kaanak na makakarinig.
Karagdagan pa ako ay nagtalaga ng mga patient navigators galling sa aking opisina na sumasalubong sa mga pasyente at kaanak. Sa Kakulangan ng oras ng mga doctor at nurses sa dami ng mga pasyente ang Patient Navigators ang gumagabay at nagpapaliwanag ng mga patakaran ng Ospital at gumagabay upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan dala ng hindi maiiwasan ligalig ng mga kaanak.
Ang Outpatient Department ay pinalaki, tatlong palapag Malaki at maayos na mga klinika ng iba’t ibang uri ng sakit. Husto sa gamit at pangangailangan upang gumaling ang mga serbisyo.
Ang harapan ng gusali ay binububungan at maging hintayan ng napakaraming pasyente at mga alalay. Husto ang laki sa pangangailangan at ng huwag magsiksikan at magkahawaan. May mga sapat na upuan, toilet at sound system. Ito ay kasalukuyang ginagawa kasaby ng paggawa ng isang gusali sa tabi nito na hindi maaring harangan at abalahin.
Karagdagan 200 beds o dalawang daan kama sa pamamagitan ng isinulong kong batas na dagdagan ang bed capacity ng Ospital ng 200 daan mula sa 300 daan naging 500 daan siya at kasabay nito ang karagdagang pondo mula sa gobyerno sa DOH.
Ang karagdagang 200 beds ay nangangailangan ng bagong gusali, nakakuha ako ng pera at ito ay kasalukuyang ginagawa na sampung palapag kakabit sa Ospital.
Ang gusaling ito ay pipilitin kong Mayari kung magkagayon ay tatawagin natin na Marikina Wing ng Ospital at laan para lamang sa mga pasyenteng taga Marikina at higit pa sa lahat LIBRE-WALANG BAYAD. FREE HOSPITALIZATION
GOBYERNO NA ANG INSURANCE MO
Noon pa man ay nalalaman ko na ang mga karaniwang pamilya, ano mang ipon o kung may pera man kulang na kulang kapag may tinamaan ng matinding sakit. Ubos ang pakiusap sa mga kaanak at kaibigan kumakatok sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at mga politico. Sa pamamagitan nito wala na sa alalahanin ng mga taga-Marikina ang bagay na pagpapaospital. Makakabawas sa alalahanin ng mga taga-Marikina. Ano mang kita ay ilaan at bigyan ng pinakamagaling na pag-aaral ang kanilang mga anak na magbibigay sa kanila ng magandang bukas. Gayon din, ilaan mabigyan ng husto at tamang pagkain ang lahat ng kapamilya upang lumakas at maiwas sa pagkakasakit, ang mga bata ay lumusog, lumaki, lumakas at tumalino sa tamang nutrisyon.
Hindi pa tapos dito. Nais ko na maging magaling na ospital ito at maging huwaran sa buong bansa. Nais kong mapawi ang masamang alaala ng iniiwasang Ospital noon. Nais ko, sa pagpasok pa lang ay makaramdam na siya ng pag-asa at lumakas ang loob na mabubuhay pa siya
PUSO SA PUSO
Kailangang makapag-opera sa puso ang Ospital at kapag ito’y nangyari mahahanay na siya sa pinakamagaling na Ospital ng bansa.
Upang mayari ito si Cong. Fabian Cadiz ay siyang kukuha ng pondo sa kongreso para sa isang operating room kumpleto sa gamit upang makapag opera sa puso. Ako po ay si Dr. Jose Fabian Cadiz tatlopu’t limang taong (35 years) manggagamot sa Marikina nakita ko ang kakayanan at kalidad ng serbisyo ng Ospital ng Amang. Sa simula’t simula hanggang sa kasalukuyan ito na marahil ang pinakamalaking hamon sa akin bilang isang doctor at malaking hamon kung magiging Congressman upang makakuha ng kakulangang pera sa Pamahalaang Nasyonal sa paraan ng Kongreso. Matatag po ang aking paniniwala na makakayanan ko ang hamong ito dahil sa pagmamahal sa inyo. Sama sama po kami ng Team BF na mapagtutulungan na maging karapat-dapat sa inyo ang serbisyong ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Sa pamamagitan naman ng ating Konsehal Dr. Raymund George Quimson ng District II kukuha tayo ng ekspertong Doctor o Heart Surgeon. Patuturuan natin ang magagaling na doctor ng Marikina. Mabibilis lang matututo ang mga yan. Napakaraming pasyente ang naghihintay at mag-uunahan at nakamatay na ng lima EKSPERTO NA YAN! Si Dr. Quimson ay nakapagsilbi na sa apat na bansa sa mundo sa pakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) mga pang-mundong ahensya na maari rin makatulong sa atin. Ako si Doc. George Raymund Quimson isang general surgeon nag-silbi sa mga mahihirap na lugar sa apat na mga bansa. Ako rin ay nagsilbi sa iba’t ibang sulok ng ating bayan mula Luzon hanggang Mindanao. Ang internasyonal at local kong karanasan ay ilalapit ko sa mga ahensya ng W.H.O (World Health Organization) at United Nations para makalikom ng pondo para sa pagpapagaling ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center at makaakit ng mga magagaling at mahuhusay na espesyalista na magsisilbi sa Marikina sa gayon makagawa ng maseselang operasyon kasama na ang operasyon sa puso.
Kung hindi ako nagkakamali lahat ng ginagawang ito na binanggit ko ay mapapasa atin kung ako ay Mayor niyo. Tulad sa mga panaginip na tinatamasa na natin ngayon. Kung sino man ang may ideya o kakayahang makakatulong ipaalam Ninyo sa amin ang Marikina ay naghihintay at nangangailangan ng maraming mga Bayani. Inihanda ko na noon pa monumento para sa inyo.
Chapters:
0:00 Intro
0:31 Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC)
1:24 Bagong Emergency Room ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC)
2:15 Bago, Malaki at Maayos na Nurse Station
2:26 Silid Hintayan (Waiting Room)
2:43 Silid Iyakan
3:01 Patient Navigators ni BF
3:30 Out-Patient Department (OPD)
3:46 OPD Covered Waiting Hall
4:17 Republic Act No. 11287 Batas na Ipinasa ni Cong Bayani Fernando
4:40 Marikina Wing sa Amang (Sampung Palapag)
6:24 Heart Department sa Amang
9:51 Outro
