Mga Nagawa at Magagawa pa ni Bayani Fernando

Malanday Road Dike Project ni Congressman Bayani BF Fernando

Watch the video
Ang barangay Malanday ang may pinakamaraming tao sa Marikina
Nakatira ang pinakamaraming tao na binabaha.
Napakalaking pinsala ang dinudulot ng baha at napakalaking panganib sa buhay at sa kabuhayan ng mga naninirahan at kabuhayan ng buong lungsod.

 

Ang solusyon dike sa sapa ng Concepcion
May dike na sa Brgy. Malanday sa gawi ng ilog subalit kailangan maharangan din ng isang dike pa ang sapa ng Concepcion upang mabalot ang malanday at hindi na bahain. Ang tubig sa sapa ng Concepcion ay nanggagaling sa Antipolo dumaraan sa Marikina Heights at bumubuhos sa ilog ng Marikina.
Nakakuha ako sa kongreso ng kailangang pera para magawa ang kailangang dike. Anim naraang(600) metro ang haba ng dikeng ito at mataas kaysa sa tubig baha ng Bagyong Ondoy.
Karagdagan pa ang malapad na kalye sa ibabaw ng dike
nakakabit sa road dike sa ilog at kakabit sa daang Camino J.P. Rizal Street sa Concepcion Uno ito ay limang daang(500) metro ang layo mula sa Bayan-Bayanan Ave. na malaking daan patungo sa Brgy. Fortune at Concepcion Dos.
Ang proyektong ito ay magdudulot ng
Una, Mawawala na ang baha sa buong malanday.
Pangalawa, mawawala na ang napakalaking panganib sa buhay ng mga naninirahan dito.
Pangatlo, mawawala na ang malaking pinsala sa kabuhayan ng lahat ng tao dito.
Pang apat may bagong pasukan mula sa Camino sa J.P Rizal St. ang nadudulong bahagi ito ng malanday at Tumana ito ay magbibigay ng ginhawa sa lahat ng taong nakatira gayun din sa lahat ng tao sa buong District 2.
Lilinis at gaganda na ang pinakamarumi at pinakapangit na bahagi na ito sa duluhan ng dalawang barangay sa Malanday at Tumana.
Pang anim, tataas ang halaga ng lupa.
Pang pito, sa magaling na daanan na mas maginhawa at mas mabilis maraming mga tao manggagaling sa iba’t ibang lugar ang dadaan dito at mabuting panghikayat sa mga Negosyo.
Pang walo, ang lahat ng kabahayan sa tabi ng daan na ito ay magiging komersyal at maari nilang gamitin sa Negosyo o paupahan sa mga negosyante na magbibigay sa kanila ng pagkakakitaan
YAYAMAN ANG LAHAT
Marami sa mga naninirahin dito sa laylayan ng Malanday ay mga dating iskwater galing sa iba’t ibang dako ng Marikina na binigyan ko ng mga lupa ayon sa Palupang Programa ko noon Mayor pa ako. Malaking kasiyahan ko na makita sila na nasa mabubuting pamayanan ligtas sa kapahamakan at guminhawa ang mga buhay. Ngayon hindi na sila mga skwatter mga may-ari na sila ng mga lupa at talagang sila’y mga tunay ng taga Marikina. Ito ay ayudang malaki at pang habang buhay.
Ako po si Kapitan Mak Alfonso ng Brgy. Malanday kami po ay nagpapasalamat ky Congressman Bayani Fernando sa napakagaling na proyektong ito at nagulat po kaming lahat, sa panaginip man lamang ay wala kaming nakitang na may mga ganito palang solusyon sa aming suliranin sa kabuhayan at kaayusan ng pamumuhay, tunay kay BF maraming posible. Maraming Salamat po BF ikaw ang Mayor ko.
Lahat ng pang gigipit ay ginawa ni Mayor Marcy upang maabala ang proyektong ito. Matatapos ang proyektong ito bago matapos ang susunod na taon.
 
0:00 Intro: Barangay Malanday, Marikina
0:26 BF Solusyon: Road Dike sa Malanday
0:56 Pondo para sa Road Dike Project
1:16 Kalye sa Ibabaw ng Dike
1:53 Mga Benepisyo ng Malanday Road Dike
4:02 Iskwater Noon, May-ari na ng Lupa Ngayon
4:54 Pasasalamat ni Kapitan Mak Alfonso
5:23 Hinarang ni Mayor Marcy Teodoro
5:45 Outro
 

Like our facebook page: Bayani BF Fernando

Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS
  • Recommend

  • Latest

Loading
Loading

facebook

Kay BF Maraming Posible