Bayani BF Fernando
1965 River Journey
Taon 1965, ako ay 16 taong gulang, mula sa instructions ng Popular Mechanics Magazine, ako ay bumuo ng isang punt boat(Flat bottom, Square cut), ito ay may dalawang mahabang sagwan bawat gilid. Gamit ko ito at namamangka ako sa ilog tuwing hamak na araw (weekdays). Inasaahan ko na maraming gagaya sa aking ginagawa, pero walang gumaya.
Pagkatapos ng limang (5) taon, dahil luma na ang aking bangka at “ For One Last Trip". Niyaya ko ang ang aking mga kaibigan na sila Boy Bautista, Cliff Conception, Lolito Cruz. Para magmangka at magpaanod sa ilog simula sa Wawa dam, Montalban o Rodriguez Probinsya ng Rizal hanggang Kalumpang. Ito kasi ang paraan noon para ibaba ang mga kawayan sa bundok papunta sa Marikina.
Kaya isinakay namin ang aking bangka sa itaas ng dyip at bumiyahe kame papunta sa Wawa dam. Nagsimula kame ng alas dos ng hapon (2PM), nakarating kame sa Marikina ng alas dose ng hating gabi (12MN).
Ito ay isa sa aking karanasan kaya nakabisado ko ang ilog Marikina. At ang River Journey na ito ay naging inspirasyon ko para ulitin muli, kasama ang mga opsiyal ng munisipyo ng Marikina noong Mayor ako, upang maintindihan nila ang pag-uugali ng ating ilog.
Kwento ni Bayani “BF” Fernando
Like our facebook page: Bayani BF Fernando
Subscribe to our youtube channel: Bayani BF Fernando
BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS