PAHAYAG NI CONG. BAYANI BF FERNANDO
KAUGNAY SA PAGPANAW NI DOC FABIAN CADIZ, KANDIDATONG CONGRESSMAN NG MARIKINA FIRST DISTRICT
Ako ay nakikidalamhati sa pamilya at sa lahat ng taga-Marikina sa di inaasahang pagpanaw ng ating Doc Fabian Cadiz.
Si Doc Cadiz ay isang magaling na lingkod bayan, nagsilbi na Konsehal at Vice Mayor ng Marikina.
Napili ko siyang pumalit sa akin sa Kongreso sa aking paniniwala sa kanyang kakayahan na maging magaling na mambabatas. Good Doctor, Good Legislator, Good Congressman.
Si Doc Cadiz ay makakatuwang ko sana sa paghahanap ng pondo sa Kongreso para matapos ang mga proyekto laban sa baha at mga suliranin ng Marikina sa kakulangan ng mabubuting trabaho at sa kalusugan.
Malaking kawalan si Doc Cadiz sa Marikina.
Sa lahat ng kanyang mga tinulungan at tinutulungang tao, ako na ang magpapatuloy.
Sa lahat ng supporters niya, katulong ninyo ako sa pagpapatuloy ng kanyang mga adbokasiya at pagmamahal.